National

Pagdinig ng Senado kaugnay sa kontrobersyal na GCTA, ipinagpatuloy

IPINAGPATULOY ngayong araw ng Senate Blue Ribbon at Committee on Justice and Human Rights ang pagdinig kaugnay sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance o GCTA at ang muntik na paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez

Kasama sa pagdinig ni Senador Richard Gordon na siyang chairman ng dalawang komite sina Senate Presidente Tito Sotto, Minority Leader Franklin Drilon at Senador Panfilo Lacson.

Muli ring sumipot sa Senate inquiry sina Justice Sec. Menardo Guevarra at BuCor Chief Nicanor Faeldon na nagisa sa pagdinig kahapon.

Humarap din sa Senado ang asawa at mga anak ni sachez na convicted sa pagpatay at pag-rape kay Eileen Sarmenta at pagpatay kay Allan Gomez.

Sa pagdinig, kinumpirma ng asawa ni Sanchez na si Elvira na nakipag-usap siya kay Faeldon noong Agosto 21 matapos makatanggap ng mensahe mula sa hindi kilalang numero na nakatakdang makalaya ang kanyang asawa.

Sinabi aniya sa kanya ni Faeldon na na-hold ang pagpapalabas kay Sanchez dahil nagkaroon ng bagong direktiba na ‘first in, first out.’

Sinabi rin aniya nito na kung kwalipikado, puwedeng lumabas ang dating alkalde sa loob ng 2 buwan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang pagdinig ng senado ukol sa kontrobersya sa BuCor.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *