US warship
National

Pagde-deploy ng mga US warship sa bansa, pinaiimbestigahan sa Kamara

PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang mambabatas sa Kamara ang patuloy na deployment ng mga US warship sa bansa kasunod na rin ng napabalitang missile test ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, ginagamit lamang ng Amerika ang pagiging kaalyado sa bansa para maipasok nito ang mga warship sa Pilipinas at nakikisakay lamang sa sentimyento ng lahat laban sa China.

Pero hindi aniya maitatanggi na patuloy pa rin ang US sa pagdedeploy ng kanilang missile launchers at combat ships sa ating teritoryo na direktang panghahamak sa soberenya at seguridad ng ating bansa.

Nito lamang weekend ay idineploy umano ang Amerika ng warship USS Montgomery sa karagatan sakop ng Davao City bilang pagpapakita ng suporta laban sa atin kontra China subalit hindi man lamang nasilip ang on-board unmanned helicopters at missile launchers ng barko ng US.

Kasabay ng panawagan ay inihain din ang Makabayan Bloc ang House Resolution 36 na nagpapatigil sa Visiting Forces Agreement at House Resolution 37 na nagpapabasura naman sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *