Pagdagsa ng Filipino-Foreign player sa PBA, inaasahan sa susunod na taon

Pagdagsa ng Filipino-Foreign player sa PBA, inaasahan sa susunod na taon

INAASAHAN sa susunod na Philippine Basketball Association (PBA) rookie draft sa Marso sa susunod na taon ang pagdagsa ng mga Foreign player na may dugong pinoy.

Ito ay matapos na luwagan ng PBA ang requirements para sa mga nais makasali sa liga.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, napagkasunduan ng pamunuan ng PBA na padaliin ang requirements para sa mga ito.

Batay sa bagong polisiya, basta’t may dugong pinoy at may pasaporte ka ng Pilipinas maaari nang makasali ang mga ito sa liga.

Sinabi pa ni Marcial, marami nais lumahok sa liga ngunit dahil sa dating requirements ay ilan lang sa mga ito ang pinapalad na makapasok.

Sa lumang polisiya ng PBA, kailangan munang kumuha ng dokumento sa Department of Justice at Bureau of Immigration ang isang filipino-foreign player na magpapatunay ng kanilang Philippine citizenship.

Sa kabilang banda, nilinaw ni Commissioner Marcial na kailangang nasa edad tatlumpu pababa ang mga nais sumali sa susunod na PBA rookie draft.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *