Pagbuwag sa oligarkiya sa bansa, ‘greatest achievement’— PRRD

Pagbuwag sa oligarkiya sa bansa, ‘greatest achievement’— PRRD

MAITUTURING na ‘greatest achievement’ ng administrasyong Duterte ang paglantad at pagbuwag sa oligarkiya sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa panayam ng kanyang matalik na kaibigan na si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The kingdom of Jesus Christ sa SMNI Exclusive.

Ngunit dahil patapos na ang kanyang termino, sinabi ng punong-ehekutibo na handa na itong magretiro sa susunod na taon.

“Ako naman I’m ready for retirement, but if you ask me,  what is my greatest ah achievement? in a very humble way ako Pastor I exposed the oligarchy in the Philippines. Sinasabi ko na noon sa kampanya ‘yang korupsiyon ‘yang sa mga customs customs, wala ‘yan sa taas so until pumutok itong Manila Water pati, kita mo.”

“Sabi ko ‘yang mga oligarchs na binibigyan ng kapangyarihan na sobra sobra, walang corporate tax, tayo ang mag-bayad, malugo sila tayo ang magbayad, lahat na, malugi sila tayo ang magbayad.”

Matatandaan noong Hulyo 2020, idiniklara ni Pangulong Duterte ang ang victory sa pagbuwag ng oligarkiya sa bansa.

Kaugnay naman sa panawagan ng kanyang partidong PDP-Laban at halos mayorya ng mga Pilipino na tumakbo ito pagka-bise presidente, nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi magiging madali kung muli siyang tatakbo sa darating na eleksyon.

“Mahirap iyan Pastor kasi mag-retire na ako tapos this time ako ang mamili ng presidente, ‘pag manalo sabihin nila ano ko lang iyan, perpetuate yourself in power. So  mag retire na ako.”

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *