National

Pagbuo ng OFW Department, nais maisakatuparan ng pangulo

MARIING sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagustuhan nitong mabuo ang OFW Department sa lalong madaling panahon.

Sa kaniyang talumpati sa ‘Araw ng Pasasalamat’ para sa mga OFW sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City, sinabi ng pangulo na gusto niyang mabuo ang departamento ngayong Disyembre o bago matapos ang taon sa tulong ng Kongreso.

Ayon sa Pangulo, nakakadismaya ang patuloy na insidente ng pang-aabuso sa mga OFW lalo na yung mga nakakalabas ng bansa sa ilalim ng mga pekeng recruitment agencies.

Binanggit din ng pangulo na ang gobyerno na ang sasala sa mga employer na gustong kumuha ng manggagawang Pinoy para matiyak ang kaligtasan at maayos na sitwasyon ng mga ito sa ibang bansa.

Samantala, sa isang chance interview ay sinabi ni Senador Bong Go na maaaring sertipikahan bilang “urgent” ni Pangulong Duterte ang OFW Department Bill at iginiit na “doable” ang panukalang ito bago matapos ang taon.

Ani Go, isa ang panukala sa mga priority bills niya sa Senado at marami din aniyang mga kongresista ang nagpahayag ng intensyon na maging counterpart ng panukala sa Kamara.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *