Pagbuo ng mapa ng maritime territory ng Pilipinas, sesertipikahang urgent ni Pangulong Duterte

Pagbuo ng mapa ng maritime territory ng Pilipinas, sesertipikahang urgent ni Pangulong Duterte

SESERTIPIKAHANG urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng mapa ng maritime territory ng Pilipinas ayon sa isang senador.

Umaasa si Senate President Tito Sotto na sesertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang kaniyang panukalang pagbuo ng mapa para sa maritime territory ng bansa.

Ito ay sa gitna ng pagtataboy ng China sa mga bangka ng mga Pilipino sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Sotto dapat lamang magkaroon ng sariling mapa ang Pilipinas katulad ng nine-dash line ng China para maigiit ang karapatan nito sa pinag-aagawang territoryo.

Matatandaan na noong Hunyo ng kasalukuyang taon ng inihain ng Senador ang Senate Bill no. 2289 na may layunin na maprotektahan ang soberanya ng bansa at ang karapatan nito sa maritime activities.

Napagalaman naman  na mayroon ng counterpart ang panukala sa lower house.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *