Pagbukas sa ekonomiya ng bansa, unti-unti nang luluwagan

Pagbukas sa ekonomiya ng bansa, unti-unti nang luluwagan

PINAG-USAPAN sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Disease (IATF) ang paraan ng pagbukas ng ekonomiya kungsaan ay luluwagan na ang operasyon ng mga business establishment.

Kabilang sa pinayagan ang magsagawa ng mga sale at iba pang marketing events ng mga business establishment at malls sa gitna ng COVID-19 crisis.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan na ang mga sale ngunit kailangan sumunod sa guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon rin kay Roque, binigyan otoridad ng IATF ang DTI na mag-adjust ng permissible on-site operational capacities ng lahat ng business establishments at activities sa ilalim ng general community quarantine at pababa.

Habang binigyan rin ng otoridad ang Department of Tourism na tukuyin ang mga pinapayagang operation capacity para sa accommodation establishments maging sa ancillary establishments sa loob ng kanilang nasasakupan.

Samantala, puwede na ring bumalik ang operasyon ng mga travel agency, tour operator, reservation service at iba pang kahalintulad na negosyo sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine at Modified GCQ.

Ito ay matapos payagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilalim ng Memorandum Circular No. 20-53 na nilagdaan ni Trade Secretary Ramon Lopez.

Batay sa memorandum, ang nasabing mga serbisyo ay maaari nang magbukas muli sa 50 percent operational capacity kung nasa GCQ areas at 100 percent capacity sa MGCQ areas.

Ipinaalala naman ng DTI na kailangan pa ring sumunod ng mga ito sa minimum public health standards at protocols.

Sinabi ng DTI na imomonitor ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) at ng regional o provincial offices ng kagawaran ang mga establisyemento upang matiyak ang pagsunod ng mga ito sa alituntunin.

Maaari ring magsumbong ang publiko sa pamamagitain ng DTI Consumer Care Hotline na 1-384.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *