Pulong
National

Pagbitiw ni Pangulong Duterte sa speakership ni Pulong pwede pa magbago

PWEDE pang magbago ng posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nito na magbibitiw ito sa pwesto kung tatakbo bilang House speaker ang kaniyang anak na si Davao City First District Rep. Paolo Pulong Duterte.

Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesperson Sec. Salvador Panelo sa pahayag ni Pulong na posibleng sumali ito sa speakership race.

Paliwanag ni Panelo na bagama’t seryoso ang naging pahayag ng pangulo noon, mayroon aniyang mga sitwasyon na posibleng magpabago sa isip nito.

Noong Mayo, humiling ang pangulo kay Paolo na ipaalam sa kaniya tatlong araw bago magpahayag ng nais na pagtakbo sa House speakership upang makababa ito sa pwesto.

Sinabi ng pangulo na hindi na kasi magandang tingnan kung madadagdagan pa ng isang Duterte ang mamumuno sa bansa.

Sa pahayag ni Pulong na maaari siyang makatulong na mapag-isa ang Kamara.

Pare-pareho aniya silang inihalal ng taongbayan kaya kung term sharing din lang naman ang pag-uusapan, maigi aniyang maghati hati silang mga contender sa pamamalakad sa Kamara.

Kaugnay nito, iminumungkahi ni Duterte na ang pamamalakad sa House of Representatives ay mapaghati-hatian ng mga kinatawan mula Mindanao, Visayas, Luzon at party list groups.

Ayon kay Congressman Duterte, hihilingin niya sa Visayas bloc na maghalal ng kanilang speaker para sa term share gayundin ang Mindanao bloc at ang party list coalition.

HANNAH JANE SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *