Pagbibigay ng 13th month pay, hindi maaaring ipagpaliban —DOLE

Pagbibigay ng 13th month pay, hindi maaaring ipagpaliban —DOLE

TIYAK na maibibigay sa tamang panahon ang 13th month pay ng mga manggagawa ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kasabay ng kanyang paglilinaw na hindi iuutos na ipagpaliban ang pagbabayad ng 13th month pay at hindi rin magbibigay ng exemptions alinsunod sa batas.

Gayunman, sinabi ni Bello na hahanap ng paraan ang gobyerno para mabigyan ng subsidiya o tulong mula sa mga bangko ang mga maituturing na “distressed” na mga kompanya.

Ayon sa Labor Secretary, kailangang maibigay ng mga kompanya ang 13th month sa kanilang manggagawa “on or before December 24.”

Sinabi ng kalihim na ilalabas nila ang kautusan ukol sa 11th month pay bukas, Oktubre 16.

Magugunita na kahapon, nakapag-meeting ang DOLE sa mga employers at labors groups kaugnay sa usapin ng 13th month pay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *