Pagbatikos ni Liza Soberano sa absolute pardon ng pangulo kay Pemberton, pinuna

Pagbatikos ni Liza Soberano sa absolute pardon ng pangulo kay Pemberton, pinuna

PINUNA ni Atty. Rolex Suplico ang mga negatibong komento ng aktres na si Liza Soberano kaugnay sa absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.

Sinabi ni Suplico na hindi murder kundi homicide ang hatol ng korte kay Pemberton taliwas sa komento ni Liza na isa itong murder.

“Karamihan po dito, hindi nakaintindi no’ng nangyari. While he was charged with murder, he was convicted only with homicide.”

Nilinaw naman ni Atty. Suplico na magkaiba ang kaparusahan sa salang murder at sa homicide.

Dagdag pa ni Suplico na mas mainam na magbasa muna ng batas bago magsalita.

Matatandaang, pinatawan ng anim hanggang sampong taong pagkakakulong si Pemberton ngunit napaiksi dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at ngayon ay tuluyan nang mapapalaya dahil sa absolute pardon ng pangulo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *