political will
Business National

Pagbagal ng inflation, bunga ng political will ni Duterte

IBINIDA ng Malakanyang na bunga ng malakas na political will ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbagal ng inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Batay sa pinakahuling report ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3% ang inflation rate ngayong Abril, mas mababa kumpara sa 3.3% noong Marso.

Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo, malaking bagay dito ang agarang aksyon at pagtugon ni Pangulong Duterte sa isyu ng suplay ng pagkain sa kabila ng nararanasang El Niño kung saan kadalasang apektado ang produksyon ng pagkain sa bansa.

Dagdag pa ni Panelo, ang naturang datos ay magsisilbing sampal sa mga kritiko ng Administrasyong Duterte na kumukwestyon sa kakayahan at kompetensya ng pangulo pagdating sa pamamahala sa ekonomiya ng Pilipinas.

Kaugnay nito, tiwala ang Palasyo na lalo pang huhupa ang inflation bago matapos ang taon.

Ito’y matapos ang paglagda ni Pangulong Duterte sa Republic Act No. 11203 o ang Rice Tarrification Act.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *