Pagbabawal sa paggamit ng plastic sa Hong kong, ipinanawagan

Pagbabawal sa paggamit ng plastic sa Hong kong, ipinanawagan

NANAWAGAN ang isang grupo sa Hong Kong na itigil na ang paggamit ng plastic tableware sa taong 2025.

“Ban Disposable plastic tableware in 2025” ito ang panawagan ng isang grupo ng environmentalist sa pamahalaan ng Hong Kong, upang masawata na ang paggamit nito sa kanilang estado.

Sa pagpupulong na isinagawa sa Legislative Council Panel (LCP) ng environmental affairs nitong lunes, sampung environmentalist na kinabibilangan ng grupong Greenpeace, WWF Hong Kong at conservancy association ang nagpasa ng petisyon sa Environmental Protection Department (EPD).

Panawagan ng grupo na hindi dapat plastic ang ipalaganap sa estado, kundi mga puno na may taas na tatlong metro.

Sinabi ng Greenpeace group na napag-usapan nila ang sektor ng pagtutustos ng pagkain na nagsasaad na handa na itong sumali sa plano, hangga’t ang gobyerno ay may malinaw na mga alituntunin kung aling mga-uri ang maaaring palitan na mga kagamitan sa mesa na maaaring magamit.

Pati na rin ang mga subsidyo sa mga kumpanya na nag-aalok ng mga diskwento sa mga customer na ginagamit ay maaari itong palitan ng tableware.

“If the government has a clear and concrete timetable, the commercial sector… may input more resources on the (implementation) of the subsidies,”ayon kay Greenpeace campaigner Leanne Tam.

Base sa inilabas na datos ng grupo, 14.6 bilyong pirasong plastik ang nalilikom sa kanilang lugar at kung pagsusumahin aabot sa kabuuang 7.5 million kada taon.

Samantala, ayon naman sa pamahalaan dadaan muna sa 12 hanggang 18 buwang implementasyon ng 1st phase ang nasabing hakbang.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *