sa New Bilibid Prison
National

Pagbabawal ng mobile internet sa New Bilibid Prison, iminungkahi

IMUMUNGKAHI ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pagbabawal ng mobile internet sa buong bisinidad ng New Bilibid Prison dahil sa nababalitang patuloy na pagamit ng internet at cellphones ng mga high profile inmates sa nasabing kulungan.

“That’s simple. We can easily give a solution to that. When we have state visits, our cellphone [signals] are easily cut. Then all you need is to cut that off,” ayon kay Salvador Panelo.

Ang mungkahing ito ay kasunod ng napababalitang patuloy na nakakapag-operate sa loob ng kulungan ang mga hig-profile na mga preso sa kanilang mga transaksyon sa iligal na droga.

Ayon din kay Panelo na mas mainam na putulin ang signal upang hindi na makagawa ng mga krimen sa pamamagitan ng cellphone ang mga preso, at mismong ang Smart at Globe ang siyang puputol ng mga linya rito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *