Pagbabantay laban sa child abuse ngayong ECQ, ipinanawagang paigtingin

Pagbabantay laban sa child abuse ngayong ECQ, ipinanawagang paigtingin

NANANAWAGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na tulungan sila sa pagbabantay laban sa mga kaso ng child abuse ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon sa ahensiya, sana ay mapaigting ang public cooperation lalo na’t malaki ang banta na hindi agad maire-report ang mga kaso ng pang-aabuso dahil sa lock down.

Ngayong mahigpit ang quarantine protocols sa ECQ areas, ang mga possible victim-survivors na na-lockdown kasama ang nang aabuso sa kanila ay hindi agad makahihingi ng saklolo.

Hinimok naman ng ahensiya ang member agencies ng Inter-Agency Council Against Child Pornography na tiyakin na gumagana ang lahat ng helplines ng gobyerno.

Narito naman ang hotline numbers na maaaring pagsumbungan:

  • PNP Patrol 911 911
  • PNP WCPC Luzon 0945-863-2235 or (022)420-6460
  • PNP WCPC Visayas (032) 410 84 83
  • PNP WCPC Mindanao 0928-604-6425 or 0917-180-6037
  • PNP Anti-Cybercrime Group (02) 723-0401 local 5354 Fax No. (02) 414-1560
  • PNP/Smart text ENDOSEC (space) Message and send to 7444-28473
  • NBI (02) 523-8231 to 38 local 3454 to 3455
  • DOJ Office of Cybercrime (02) 524-82-16

Maaari ring magpadala ng mensahe sa textline ng DSWD:

  • DSWD Text DSWD <space> blockchildporn <space> URL address and send to 2327, or
  • Text blockchildporn <space> URL address and send to 0918-9122813
  • DSWD Psychosocial Support Hotline/ RRPTP Hotline – (02) 8931-9141
  • Commission on Filipino Overseas (CFO)/IACAT- 1343
  • Bantay Bata 163

Nanawagan din ang DSWD sa lahat ng local government units na tiyakin na naipatutupad ang lahat ng local mechanisms mula sa provincial hanggang barangay level laban sa child abuse.

Kabilang sa mga council na pinapagalaw ng DSWD ay ang Local Council for the Protection of Children (LCPC), Local Council Against Trafficking – Violence Against Women and their  Children (LCAT-VAWC), Barangay VAWC Desk at ang Barangay Council for the Protection of Children (BCPC).

Diin pa ng ahensiya, hindi magiging hadlang ang pandemya sa laban ng pamahalaan kontra online and offline sexual abuse sa mga kabataan lalo na ngayong ECQ.

(BASAHIN: Batas kontra online child sex exploitation dapat masunod ng telcos, ISPs —DICT)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *