misteryosong pneumonia
Health National

Pagbabantay kontra sa misteryosong pneumonia mula China, pinaigting

PINAIGTING ng Department of Health (DOH) ang pagbabantay sa mga biyaherong papasok mula sa China matapos mapaulat ang mga kaso ng misteryosong pneumonia sa Wuhan City.

Inatasan ng DOH ang Bureau of Quarantine (BOQ) na paghigpitan ang surveillance sa lahat ng seaports at airports sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo, mayroon nang naitalang 44 katao ang naapektuhan ng naturang sakit at 11 rito ay kritikal.

Wala naman pinagkaiba ang sintomas nito sa karaniwang pneumonia ngunit hindi pa rin alam ang pinagmulan nito.

Hinimok din ni Usec. Domingo ang mga nanggaling sa China na agad kumonsulta sa doctor kung makararanas ng mga sintomas ng nasabing sakit.

Patuloy naman na pinag-iingat ang publiko sa banta ng nasabing pneumonia.

Samantala, nakikipagtulungan na rin ang DOH sa China at World Health Organization (WHO) kaugnay sa nasabing sakit.

Bureau of Quarantine, tiniyak na walang nakapasok sa bansa na misteryosong pneumonia

Bagamat mahigpit ang surveillance o monitoring sa mga dumarating na mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa misteryosong pneumonia na kumakalat ngayon mula China ay tiniyak naman ng Bureau of Quaratine sa NAIA na sa ngayon ay wala pang naiuulat na nagpopositibong pasahero na nagtatagalay ng mahiwagang sakit

Dagdag pa ng doktora naka heightened na sila ngayon at surveillance sa paliparan lalo na’t sa mga dumarating na mga pasahero  mula sa kalapit na mga bansa gaya na lamang na nanggagaling sa Hong Kong ,Huan China at iba pang concerned areas.

Gamit ang thermal scanner ay makikita kung sino ang mga pasaherong may taglay na sintomas ng mga sakit at gaya ng lagnat at respiratory symptoms.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *