Pagbabalik Pilipinas ni Senator Pacquiao, dinagsa; social distancing hindi nasunod

Pagbabalik Pilipinas ni Senator Pacquiao, dinagsa; social distancing hindi nasunod

DINAGSA ang pagbabalik Pilipinas ni Senator Manny Pacquiao nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ngayong-araw.

Matapos ang pagkatalo nito ng laban kay Yordenis Ugas, balik bansa na si Senator Paquaio galing Los Angeles, California, USA.

Pero habang hindi pa nakalabas ng paliparan sa pagbabalik Pilipinas ni Paquaio ay dinagsa na ng tagasuporta ang senator, dahilan ito na hindi nasunod ang social distancing.

Wala pang alas 3:00 ng madaling araw ay may nag-aabang nang supporters si Manny sa arrival area sa labas ng paliparan.

Pasado alas tres ng madaling-araw lumapag ang Philippine Airlines Flight PR 103 sa NAIA kung saan sakay si Senator Paquio galing Los Angeles California, USA.

Kasamang dumating ang kanyang maybahay na si Jinkee Paquiao at ang kanilang mga anak.

Ayon sa senador hindi niya akalain na sa kabila ng kanyang pagkatalo laban kay Ugas ay may sasalubong pa sa kanya sa paliparan.

Dagdag ni Paquiao, hindi muna siya sa ngayon magdedesisyon kung ito na ba ang kanyang huling laban.

Saka na lang aniya pag-usapan ang mga bagay na ‘yan pati na ang politika pagkatapos ng kanyang quarantine ng pitong araw.

‘’Hindi pa ako nag-announce ng desisyon ko, bale isasabay ko na iyan sa desisyon ko sa politics,’’ayon kay Pacquiao.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *