Pagbabalik ng peace talks
National

Pagbabalik ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at CPP, sisimulan na

POSIBLENG simulan na ng pamahalaan ang pagbabalik ng peace talks sa Communist Party of the Philippines (CPP) sa susunod na buwan.

Ayon kay dating chief negotiator Labor Secretary Silvestre Bello, sa Enero inaasahang magre-resume ang peace talks sa komunistang rebelde matapos maplantsa ng dalawang panig ang ilang “goodwill measures”.

Sinabi rin ni Bello na pumayag na si CPP Founder Joma Sison na magkaroon ng “face to face meeting” kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, hindi pa aniya nagkakasundo ang pamahalaan at CPP-NPA sa negotiation’s venue at “goodwill measures” kabilang na ang pagpapalaya sa mga inarestong communist consultants at isang unilateral ceasefire na maaring maging epektibo sa Disyembre 20 o 21.

Sinabi ni Bello na kung magiging maayos at maganda ang desisyon ng pangulo ay maaring sa ikalawang linggo o ikatlong linggo ng Enero mangyari ang pormal na pagbabalik ng peace talks.

Kamakailan lang ng ipag-utos ni Pang. Duterte kay Bello na makipagkita kay Sison sa The Netherlands para muling pag-usapan ang naudlot na peace talks.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *