Pagbabalik-laro ng PBA sa Oktubre, tuloy na tuloy na

Pagbabalik-laro ng PBA sa Oktubre, tuloy na tuloy na

WALA ng hadlang sa pagbabalik-laro ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Oktubre.

Ayon sa PBA, nakakuha na sila ng go signal mula sa Inter-Agency Task Force para sa muling pagsisimula ng liga sa ilalim ng bubble format.

Gaganapin naman ang Philippine cup sa Oktubre 11 sa Clark City.

Sa Setyembre 28 magsisimulang dumating ang unang batch ng mga manlalaro at susundan ito ng ikalawang batch sa Setyembre 29.

Ang Angeles University Foundation sa Angeles City ang magsisilbing venue ng laro ng PBA.

Bago naman ang pagsisimula ng laban, ay dadaan ang lahat ng manlalaro sa COVID-19 test upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *