Pagbabalik-big screen
Showbiz

Pagbabalik-big screen sana ng tambalang Jolina Magdangal at Marvin Agustin, hindi muna matutuloy

HINDI muna matutuloy ngayong taon ang inaasahang pagbabalik-tambalan ng 90s love team na Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Paliwanag ni Jolina, pansamantala munang mauudlot ang balik big screen nila ni Marvin dahil sa ilang problemang kanilang kinaharap upang maging bahagi ng Metro Manila Film Festival.

Ayon sa aktres nais sana nilang mapabilang sa MMFF ang kanilang reunion movie ngunit nabigo silang mapasok ito dahil sa istrikong patakaran.

Ayaw din anila madaliin ang pelikula kung kaya’t nais nilang magfocus maski sa maliliit na detalye dahil magsisilbi itong “comeback”.

1999 pa nang huling pakiligin ng tambalang Marjo ang mga pinoy sa pelikulang “Hey Babe”.

 

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *