Pagbabakuna kontra COVID-19 sa KJC compound sa Davao City, nagpapatuloy

Pagbabakuna kontra COVID-19 sa KJC compound sa Davao City, nagpapatuloy

NAGPAPATULOY ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga manggagawa at miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ (KJC) Congregation sa Davao City, matapos na makatanggap ang grupo ng karagdagang vaccines.

Ikalawang linggo na ngayon ang vaccination campaign kontra COVID-19 ng The Kingdom of Jesus Christ sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Davao City.

Martes ng hapon nang dumating ang karagdagang 1,000 doses ng Sinovac COVID vaccines dito sa KJC compound vaccination site sa na mula sa Department of Health (DOH) Davao at City Health Office (CHO).

Tinatayang i-aadminister ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa loob ng tatlong araw mula ngayon araw, Martes hanggang Biyernes, sa mga eligible na mga miyembro ng kongregasyon.

Partikular na ang mga napapabilang sa A2 o mga senior citizens, A3 o mga persons with comorbidities at A4 o mga essential workers.

Martes ng nakaraang linggo pinasimulan ng The Kingdom of Jesus Christ ang vaccination campaign nito kontra COVID-19, bilang pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan.

Lalong-lalo na sa pamumuno ni Davao City Mayor Sara Duterte, ito ay bilang tugon rin sa panawagan ng lungsod sa mga dabawenyo na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang panghihikayat ni Mayor Duterte sa mga constituents nito na huwag matakot magpabakuna, dahil napatunayan mismo ng mga eksperto na epektibong pangkontra sa COVID-19 ang mga available na vaccines dito sa bansa.

SMNI NEWS