presyo ng bigas
Business National

Pagbaba ng presyo ng bigas, kinontra ng mga magsasaka

KINONTRA ng Philippine Grain Retailers Confederation of the Philippines (GRCP) ang pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa.

Ayon kay GRCP President James Magbanua, malaking epekto sa paghihirap ng mga magsasaka ang pagbaba ng presyo ng bigas.

Itinuturong dahilan ng nasabing pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa ay ang pagdami ng suplay nito.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang presyo ng well-milled at regular milled rice ngayong taon kumpara noong 2018.

Naglalaro sa P39.00 hanggang P42.00 pesos ang presyo ng well-milled rice ngayong taon kumpara sa P41.00 hanggang P44.00 pesos noong 2018.

Habang nasa P35.00 hanggang P38.00 pesos ang regular milled rice ngayon 2019 kumpara sa P38.00 hanggang P40.00 pesos na presyo noong 2018.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *