out-of-school youth
National

Pag-recruit sa mga out-of-school youth para mag-aklas laban sa gobyerno, ipinatitigil

NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga komunistang grupo na tigilan na ang pag-recruit sa mga out-of-school youth para mag-aklas laban sa gobyerno.

Sinabi ni DILG Chief Eduardo Año sa mga rebelde na layuan ang mga kabataan sa kanilang kasinungalingan at panlilinlang at huwag sirain ang kinabukasan ng mga ito.

Ayon kay Año, madaling kasing manipulahin ang isip ng mga kabataan kung kaya’t napakadali nilang mahikayat na sumapi sa NPA.

Aniya, dapat nasa mga paaralan ang mga bata at nag-aaral at hindi sa mga kabundukan kasama ang mga rebelde.

Ang panawagan ni Año ay kasunod ng ulat na ilang kabataang miyembro ng NPA ang nasawi sa mga nakaraang engkwentro sa tropa ng pamahalaan.

Pinaalalahan din ng DILG chief ang mga kabataan na huwag agad mahulog sa panlilinlang at mga salita ng mga komunista.

Batay kay Año, kabilang sa pinanghihikayat ng mga rebelde sa mga kabataan para sumapi sa kanila kilusan ay ang isyu tulad ng gastos sa edukasyon, pagpapabaya sa youth sector, mahinang internet connection, kakulangan ng career opportunities at iba pang socioeconomic issues.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *