Pag-party sa loob ng mga hotel, pinagbabawal sa Cebu City

Pag-party sa loob ng mga hotel, pinagbabawal sa Cebu City

IPAGBABAWAL na ni Mayor Edgardo Labella ang pag-party sa loob ng mga hotel sa Cebu City.

Ang ordinansa na ito ay kasunod nang nangyaring insidente sa City Garden Hotel sa Makati na kung saan ikinamatay ng isang stewardess ng Philippine Airlines na is Christine Dacera sa isang New Year’s eve party.

Ani Mayor Labella, ang mga pribadong kwarto ay para sa pagtulog at hindi para sa mga party. Aniya, ang party ay dapat gawin sa mga function room.

Dagdag pa ni Mayor Labella, maaari nilang kanselahin ang mayor’s permit ng isang hotel na lalabag sa nasabing kautusan.

Samantala, inatasan ng alkalde ang Commission on Tourism na pinapumumunuan ni former Councilor Joselyn Pesquera ang pag-monitor sa mga hotel na maaaring lalabag sa mga utos.

Kaugnay nito, patuloy pa ring ipatutupad ng siyudad ang mga minimum health standards sa mga kasiyahan sa mga function room.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *