National

‘Pag-neutralize’ sa mga Parojinog, ‘Special Mission’ – Espenido

Maituturing na special mission umano ni c/insp. Jovie Espenido ang “pag-neutralize” sa mga miyembro ng pamilya Parojinog sa Ozamiz City, Misamis Occidental.
Ito’y dahil ikinonsidera bilang high-value target si City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog na unang nabanggit sa listahan ng narco-politicians ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Espenido na bagama’t nabanggit na ni Duterte si Parojinog, ay nagpapatuloy pa rin ang illegal drug operations nito sa buong Misamis Occidental.
Ito ang dahilan sa pagsasagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region-10 sa operasyon na target lamang sana na makuha ang mga iligal na baril ng mga ito subalit tumambad din sa kanila ang 1 kilo ng mga suspected shabu.
Giit din ni Espenido na walang extra-judicial killings sa pag-raid sa dalawang bahay ng Mayor at Vice Mayor.
Aniya, nanlaban ang nagsilbing sympathizers ng pamilya Parojinog kung kaya’t naganap ang madugong firefight.
Samantala, dinala na sa Metro Manila ang naarestong si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez, ang sinasabing dating girlfriend umano ni Bilibid Drug Lord Herbert Colanggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *