Pag-lockdown sa Barangay Kamuning sa Quezon City, walang batayan —Belmonte

Pag-lockdown sa Barangay Kamuning sa Quezon City, walang batayan —Belmonte

WALANG batayan para ilagay sa lockdown ang Barangay Kamuning sa Quezon City.

Ito ay matapos magpositibo sa UK COVID-19 variant ang residente ng barangay na dumating sa bansa noong Enero 7 mula Dubai sakay ng Emirates Flight No. EK 332.

Nilinaw ni Mayor Joy Belmonte na hindi naman umuwi sa Kamuning ang nagpositibong lalaki pagdating sa Pilipinas dahil agad itong dumiretso sa isolation facility.

Ayon kay Belmonte, hinihintay ng city government ang COVID-19 test results ng mga indibidwal kabilang ang mga barangay health worker na may direct contact sa pasyente.

Dagdag pa ng alkalde, nagpapatupad na ang local government ng “active case finding” sa mga residente para ma-detect kung sino ang infected ng virus.

Simula ng pumutok ang balita sa bagong coronavirus variants, sinabi ni Belmonte na inatasan na niya ang mga barangay official na i-monitor ang health condition ng mga Pilipino na dumadating mula sa ibang bansa.

Mga residente ng Barangay Kamuning, nakararanas ng diskriminasyon

Nakararanas na ng diskriminasyon ang mga residente ng Barangay Kamuning, Quezon City matapos magpositibo sa UK COVID-19 variant ang isang residente na nakatira sa nasabing barangay.

Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte na ipinaalam sa kanya ng kapitan ng Barangay Kamuning na ilang residente na rito ang hindi na pinapayagan na pumasok sa kanilang mga trabaho dahil sa insidente.

Dahil dito, pinaalalahan ni Belmonte sa mga employer sa anti-discrimination measures na ipinatutupad sa lungsod kasabay ng kanyang paggiit na walang basehan para i-discriminate ang mga residente ng Kamuning.

Inulit ng alkalde na hindi na umabot pa sa kanilang bahay sa Kamuning ang pasyente pagdating sa bansa mula Dubai dahil agad itong nanatili sa isolation facility.

Sa ngayon aniya, na-test na at naka-quarantine na ang mga direct contact ng pasyente.

Samantala, sinabi ni Belmonte na hindi pa nila alam ang pangalan ng mga kompanya na hindi pinapayagan na pumasok sa trabaho ang kanilang mga empleyado.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *