Pag-imbita ni Angel Locsin sa milyon-milyong followers, isang malaking pagkakamali —Barangay official

Pag-imbita ni Angel Locsin sa milyon-milyong followers, isang malaking pagkakamali —Barangay official

ISANG malaking kamalian ang nagawa ng aktres na si Angel Locsin nang imbitahin nito ang kanyang milyon-milyong followers sa social media upang magtungo sa kanyang community pantry bilang pagdiriwang ng kanyang ika-36 na kaarawan.

Nagdulot ito ng pagkasawi ng isa katao sa libo-libong nagtungo sa pagbabakasakaling makakuha ng pabuya mula sa community pantry ni Locsin na ginanap sa Spirit Drive sa Don Antonio Heights, Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay Holy Spirit Chair Felicito Valmocina, katakot-takot ang post ni Locsin kung saan ay sinabi nitong welcome ang lahat na magtungo sa nasabing kaganapan.

“Ang follower niya sa Facebook pina-trace ko sa aking mga IT, 21 million, sa kaniyang Instagram 8.6 million, sa kaniyang Twitter 12.6 million. Kaya pala kako ang lahat ng mga tao na taga iba’t-ibang lugar ay pumunta dahil dito sa post na ito,” pahayag ni Valmocina.

Kinilala ang nasawi na si Rolando dela Cruz na ayon sa mga ulat ay pumila na ang biktima madaling araw pa lang, nahilo at dinala sa ospital kung saan ito binawian ng buhay.

Akala ni Valmocina na isang maliit na community pantry lamang ayon sa hiniling ngunit nagdadalawang-isip ang opisyal dahil sa kasikatan ng aktres.

“Naka-monitor ako alas 5:00 pa lang ng umaga, isangdaan na. Pagkatapos, alas 6:00, alas 7:00, alas 8:00, nasa 2,500 na ang tao. Umabot na ng COA (Commission on Audit), doon sa may Commonwealth Avenue Market. Umabot ng almost two kilometers na ang pila,” ayon kay Valmocina.

Magtanghali na nang sinabi ng kampo ni Angel na hanggang 300 lamang ang makakaya ng kanilang community pantry.

“Nung alas 12:00 na talagang galit na galit na ang tao, tinanong ulit sila ilan ho ba talaga. Galit na ang tao, nagmumura na. Dikit dikit na at tsaka nila sinabi na 300 lang daw ang kaya nila. Eh, alam naman nilang napakaaga pa, libo-libo na ang tao. Wala ba silang common sense man lang?” pagalit na pahayag ni Valmocina.

Plano naman ni Valmocina na idulog ang nasabing pangyayari kay Quezon City Mayor Joy Belmonte at sa iba pang mga opisyal ng barangay upang talakayin ang mga pangyayari matapos itong makipag-usap sa mga abogado kung ano ang magiging susunod na hakbang na gagawin.

(BASAHIN: Anne Curtis at Angel Locsin, nagdonate ng P1M sa Pasig City)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *