Pacquiao, sinimulan na ang kanyang training para sa kanyang susunod na laban

Pacquiao, sinimulan na ang kanyang training para sa kanyang susunod na laban

INANUNSYO ni Senator Manny Pacquiao na sinimulan na nito ang kanyang training at sabik na rin siyang muling simulan ang kanyang karera sa pagbo-boxing matapos itong matigil bunsod na rin ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang tweet, sa kanyang Twitter account, sinabi nito na nagbukas siya ng training camp upang maipagpatuloy ang kanyang hall of fame-worthy career at ia-anunsyo pa lamang kung sino ang kanyang susunod na makakaharap.

Ang mga detalye ng kanyang laban kasama ng venue, o kung tatanggap ba ito ng live audience ay mananatiling spekulasyon muna para sa mga fans sa mga susunod na araw.

Hindi pa muling pumapasok sa loob ng boxing ring ang People’s Champ simula nang matalo nito si Keith Thurman noong July 2019 sa Annex WBA “Super” Welterweight Championship.

Ang titulong ito ay hindi na pag-aari ng boxing legend matapos itong tanggalin ng WBA sa kanya dahil sa pagiging inactive nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *