Pacquiao, nagsimula nang mag-ensayo para sa nakatakdang laban kay Spence

Pacquiao, nagsimula nang mag-ensayo para sa nakatakdang laban kay Spence

NAGSIMULA nang mag-ensayo si Filipino boxing champion Manny Pacquiao para sa nakatakdang laban nito kay American boxer at Unified Welterweight champion Errol Spence, Jr.

Sa kanyang social media, ibinahagi ng fighting senator ang kaniyang ginagawang ensayo sa Forbes Park mansion.

Sa susunod na linggo ay inaasahang makakasama na ni Pacquiao sa training ang coach nitong si Buboy Fernandez.

Inaasahan namang mas titindi pa ang kanyang pag-eensayo kung tutungo na ito sa California kasama ang kanyang beteranong trainer na si Freddie Roach at conditioning coach Justine Fortune.

Nakatakdang maghaharap sila Pacquiao at Spence sa darating na Agosto 21 sa Las Vegas.

(BASAHIN: Laban ni Manny Pacquiao kay Spence Jr., kumpirmado na ngayong Agosto)

Ang pambansang kamao ay huling lumaban kay Keith Thurman noong 2019.

Samantala, binalaan ni former boxer Ricky Hatton si Pacquiao tungkol kay Spence.

Ayon kay Hatton na naging boxing columnist, magaling ang 42-years old Filipino champ at hindi ito biro na kalaban.

Subalit binalaan nito si Pacquiao na hindi rin biro na kalaban si 31 years old American boxer.

Ayon kay Hatton, mas mabilis at mas magaling si Spence kung ikukumpara ito kay American boxer Keith Thurman na siyang huling nakalaban ni Pacquiao noong 2019.

Nilinaw naman ni Hatton na malaki ang respeto niya sa dalawang magagaling na boksingero.

Samantala, magugunitang Mayo 2009 na nagkalaban din sa ring si Pacquiao at Ricky Hatton.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *