panukalang death penalty
National

PACC, umaasa na maipapasa ang panukalang death penalty sa 18th Congress

UMAASA ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maipapasa ang panukalang death penalty sa 18th Congress.

Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, umapela siyang mapabilang sa offenses sa ilalim ng panukalang death penalty ang kasong plunder, drug related-offenses gaya ng drug smuggling, manufacturing and trading.

Pinasaringan naman ni Luna si Senador Antonio Trillanes IV na aniya’y isa umanong political offender na dapat mas higit na mapaparusahan.

Matatandaang una nang inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na posibleng pumasa ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa sa susunod na Kongreso dahil sa pagpasok ng mas maraming senador na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumapabor dito.

Magsisimula naman ang 18th Congress sa Hulyo 22.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *