opisyal ng PhilHealth
National

PACC, iimbestigahan na rin ang pitong opisyal ng PhilHealth

ISASAMA ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa kanilang imbestigasyon ang pitong opisyal ng PhilHealth na umano’y miyembro ng mafia sa ahensya.

Sa panayam ng SMNI News kay PACC Commissioner Greco Belgica, sinabi nito ipapa-lifestyle check na nila ang mga nabanggit na opisyal.

Ayon pa kay Greco, subject din sa kanilang lifestyle check ang mga board at may hawak ng PhilHealth.

Iginiit ni Greco na patunay ang sunod-sunod na isyu sa PhilHealth na dapat masagot ang ukol sa performance ng kanilang mga tungkulin para sa interes ng gobyerno.

Matatandaang tinukoy ng isang dating opisyal ng PhilHealth sa isinagawang imbestigasyon ng Senado ang mga miyembro ng umano’y mafia sa loob mismo ng state health insurance na may “control of influence” at nagbabanta sa mga executives na iwasan ang rotation of posts.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *