agri-products
Business

P53-M halaga ng agri-products galing China, nasabat

NAGKAKAHALAGA ng P53 milyong naglalaman ng ibat ibang agri-products na galing China ang nasabat ng Bureau of Customs.

Base sa initial report idineklara bilang fishball ang mga naturang produkto na nasa mahigit dalawang milyong piso ang duties at taxes.

Sa isinagawang inspection, natagpuan ng Customs examiners na ang totoong nilalaman ng kargamento ay ang carrots, sibuyas, broccoli at patatas.

Nagkakahalaga ang mga nasabat na carrots ng P20.80 milyon, sibuyas P20.80 milyon din, broccoli nasa P10.40 milyong habang ang patatas naman ay nasa P2.510 milyon

Ayon kay POM District Collector Arsenia C. Ilagan dumating ang mga kontrabando sa Manila International Container Port o MICP nito lamang August 8 naka-consigned sa ShineRise Trading service kung saan dumaan sa proseso ng Custom broker na si Johhna Philipian Cristobal Aceveda.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Section 1400 “Misdeclaration, Misclassification and Undervaluation in Goods Declaration,” Section 1113 “Property Subject to Seizure and Forfeiture,” of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Nailabas na rin ang Warrant of Seizure and Detention (wsd) ni Collector Ilagan laban sa nasabing shipment.

Naiutos na rin ng opisyal na kanselahin ang accrediation ng consignee habang ang nabanggit na broker ay isinasailalim pa sa imbestigasyon.

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *