sa Marawi siege
National

P47.6-M ayuda sa mga sugatang sundalo sa Marawi siege, bigong ipinamahagi

PINUPUNA ngayon ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Army sa bigo nitong pamamahagi ng halos P50 milyon na ayuda sa mga sundalong “wounded-in-action” sa Marawi siege.

Base ito sa annual audit report ng COA mula Mayo hanggang Oktubre 2017 kung saan nasilip ang nasa P47.6 milyon na halaga ng tulong pinansyal na hindi pa nagagamit mula sa P235 million assistance sa mga sugatang sundalo.

Sinabi din ng COA na nasa P128.5 million pa lamang ang nagagamit mula sa P147 million financial assistance sa killed-in-action beneficiaries.

P40.122 million naman ang nagastos ng isang babaeng army personnel na lumipad tungong Hong Kong para sa Observation Tour on Safety and Security.

Pinagpapaliwanag din ng COA ang army sa P9.98 million na overpayment nito sa mga pamilya ng 118 napatay na sundalo sa Marawi seige.

Tiniyak naman ni Army Spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala na agad silang tutugon sa COA report.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *