P350-B international aide para sa Marawi victims hindi lahat dumaan sa gobyerno —Del Rosario

P350-B international aide para sa Marawi victims hindi lahat dumaan sa gobyerno —Del Rosario

INAMIN ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chief Eduardo Del Rosario na hindi lahat ng international aide ay direktang napunta sa National Treasury.

Sa nagpapatuloy na pagdinig para sa Appointment ni TFBM Chief Eduardo Del Rosario bilang Department of Human Settlements and Urban Development, ay nilinaw nito na nasa P10-B lamang ang direktang tinanggap ng national government mula sa P350-B pledges mula sa iba’t ibang bansa.

Ito ay matapos matanong ni San Juan City Representative Ronaldo Zamora si Del Rosario sa status ng mga international aide para sa Marawi victims na nagkakahalaga ng US$7B.

“It’s P10.7 billion only coming from the Asian Development Bank, China, and the government of Japan,” ayon kay Del Rosario.

“Most of the interventions are non-infra projects with the exception of the Japanese government who provided and funded 1,500 shelters,” dagdag aniya.

Paliwanag pa Del Rosario, kung may mga pledges o donations man ang ibang bansa ay nakikipag-usap ang mga ito sa kanilang mga napiling non government organization sa bansa.

“Most countries will just announce that they are pledging or giving support in this amount but with regards to their project implementation, they go directly on the ground and mostly it’s for early intervention activities,” paliwanag ni Del Rosario.

“They follow their own protocol and they follow their own priorities which we do not like to intervene,” aniya pa.

Maliban dito ayon kay Del Rosario karamihan sa mga donations ng mga bansa ay sa pamamagitan ng relief goods, bagay na ayon kay Cong. Zamora ay hindi nakakatulong para sa rehabilitation ng Marawi.

Matatandaan na dahil sa Marawi Siege na naganap noong May 2017 ay libo libong pamilya ang na-displaced.

Una nang sinabi ni Del Rosario na matatapos ang rehabilitation ng Marawi sa Dec. 2021

Samantala, sa pagdinig din ng appointment ni Del Rosario bilang Housing secretary na sinadyang i-downgrade ang bilang ng mga namatay sa Yolanda.

Aniya totoong nasa 7,500 lamang ang death toll sa pananalasa ng nasabing bagyo sa Tacloban.

Matatandaang sa Report ng NDRRMC ay nasa 6,300 individuals ang patay dahil sa hagupit ng bagyo, 28,688 naman ang sugatan at ang missing ay nasa 1,062.

Sa kabila nito ay hindi kumbinsido dito si Rep. Florencio “Bem” Noel.

Matatandaan naman na nanalasa ang Bagyong Yolanda noong November 2013.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *