P3.4-M na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa Quiapo sa kabila ng malakas na ulan

P3.4-M na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa Quiapo sa kabila ng malakas na ulan

NAKUMPISKA ang P3.4 milyong halaga ng iligal na droga sa kabila ng malakas na ulan sa Quiapo sa Metro Manila.

Hindi naging hadlang para sa mga taga Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang malakas na ulan para arestuhin ang dalawang sangkot sa iligal na droga.

Hindi rin natinag ang operatiba ng PDEA ng RO IV-A Regional Special Enforcement Team ang isinagawang drug buy bust operation sa dalawang kalalakihan na sangkot sa bentahan ng droga sa Quiapo, Manila.

Kinilala ng Region 4A Calabarzon RSET ang dalawang suspek na sina Rocky Cornelio Pablo na tubong Vitara, Malagapas ,Cotabato City at kasalukuyang nakatira sa Recto, Quiapo Manila at ang kasama nitong si Alan Usman Taha na taga Brgy.  311 Picasal St., Quiapo Manila.

Ikinasa ng drug buy bust sa lugar ng Mr. D.I.Y Hidalgo St. kanto ng Barbosa St., Brgy 383 Quiapo, Manila bandang 1:20 ng hapon ngayong araw July 22, 2021.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang 500 grams ng shabu na may street value ng Php 3,400,000.00.

Kasalukuyang hawak ngayon ng PDEA ang dalawang bigtime na tulak ng droga matapos masakote.

Sinabi naman ni Irvin John Coderiz, deputy director ng PDEA Regional Office ng NCR, maaaring isangguni ang sinuman sa  pamamagitan ng programang  “Isumbong Mo kay Wilkins.”

Mahigpit na nagbabala si Coderiz sa mga ayaw pa ring tumigil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *