pondo ng PhilHealth
Health National

P250-B pondo ng PhilHealth, napunta sa katiwalian –Lacson

IBINULGAR ni Senador Panfilo Lacson na halos umabot sa P250 bilyong pondo ng PhilHealth ang napunta sa katiwalian, na dapat sana ay magagamit para sa pagpapagamot ng mga miyembro ng PhilHealth.

Iginiit ni Lacson na may mga natanggap itong impormasyon at mga dokumento na paulit-ulit ang katiwalian at modus sa PhilHealth na sangkot ang ilang opisyal ng PhilHealth at mga may-ari ng hospital at pagamutan.

Kabilang sa modus na binanggit ni Lacson ang pagpapa-extend ng confinement ng pasyente kahit nakalabas na ng hospital tulad ng Perpetual Soccor Hospital sa Cebu City kung saan lumalabas na may kasabwat na opisyal sa PhilHealth.

Tinutukoy dito ni Lacson si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque na isa sa signatories sa pag-apruba sa PhilHealth nitong January 10 2019.

Dahil dito nagsagawa ng imbestigasyon ang PhilHealth kung saan sinuspinde ang hospital ng 3 buwan.

Ayon kay Lacson naghain ng Motion for Reconsideration ang Perpetual Soccor Hospital sa Court of Appeals kung saan kinatigan ng CA ang desisyon ng PhilHealth.

Aniya ni Lacson nagdududa ito dahil ng muling umapela ang hospital sa PhilHealth binaligtad ng ahensya ang kanilang mismong desisyon for humanitarian reason.

Dahil dito nais na imbestigahan ni Lacson sa 18th Congress ang paulit-ulit na katiwalian sa PhilHealth kung saan umabot na sa P250 bilyon ang pondo ng PhilHealth na nauwi sa katiwalian.

MARGOT GONZALES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *