agri-products
National

P24-M halaga ng mis-declared na agri-products mula China, nasabat

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang limang shipments ng mis-declared na agri-products mula China.

Ayon sa BOC, tinatayang nagkakahalaga ng P24-milyon ang naturang kontrabando na idineklarang mga mansanas, orange at peras.

Pero sa isinagawang x-ray at physical inspection ng BOC, tumambad sa kanila ang laman ng shipments na mga carrots, sibuyas at patatas.

Sa pagtaya ng BOC, nasa P15-million ang halaga ng nasabat na carrots, P4-M ang sibuyas at P5-M ang patatas.

Dumating umano sa Manila International Container Port ang mga produkto sa magkakaibang petsa noong nakalipas na buwan na naka-consign sa Ingredient Management Asia Inc. at ang iba ay sa McRey International Trading.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *