P2.1-M halaga ng tilapia, namatay sa fish kill sa Lake Buhi

P2.1-M halaga ng tilapia, namatay sa fish kill sa Lake Buhi

AABOT sa 20 metric tons ng tilapia na nagkakahalaga ng P2.1 milyon ang namatay sa isang fish kill na tumama sa Lake Buhi sa Camarines Sur matapos ang pananalasa ng Bagyong Quinta.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) spokesperson Nonie Enilva, ang fish kill ay sanhi ng seriches o alon na dulot ng malalakas na hangin na dala ng bagyo nang mag-landfall ito sa Camarines Sur noong Lunes ng umaga.

Ayon kay Enolva, ang mga isda sa bayan ng Iraya, Ebayugan, Tambo, Cabatoan, Salvacion at Sta. Elena ay namatay sa Buhi.

Base sa water quality test na isinagawa ng BFAR technicians, dahil sa mababang oxygen at mataas na high ammonia nitrogen levels ay nakapag-develop ng gas na toxic sa mga isda.

Ang 1,800-hectare lake sa probinsiya ng Buhi ay pinagkukuhaan ng supply ng freshwater fish ng mga merkado sa Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Sorsogon at maging sa Metro Manila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *