Senador Cynthia Villar
National

P150-M budget ng Department of Agriculture para sa corn research, pinuna

IKINAGULAT ni Senadora Cynthia Villar ang malaking bahagi ng pondo ng Department of Agriculture na nakalaan para sa National Corn Program o corn research.

Sa pagdinig ng Senado ngayong araw para sa panukalang budget ng Da para sa taong 2020, ay sinabi ng senadora na tila lahat ng pondo ng ahensya ay ibinuhos nila sa pag-aaral.

Giit ng senadora na hindi nya naiintindihan ang research at lalo na kung magugustuhan ba ito ng mga nagugutom na mga magsasaka.

Sa ilalim ng National Corn Program ay umabot sa P150 million ang hinihiling na budget ng DA para sa research o pag-araal.

Ipinunto ng senador na kung siya ang magsasaka ay mas kakailanganin o pipilian pa nya ang mga binhi at mga makina sa pagsasaka kaysa pagsasaliksik kaugnay sa mais.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *