Metro

P120-M, ilalaan ng Pasay LGU bilang suporta sa blended learning ng lungsod

WoodProfit

NASA P120 milyon ang ilalaang pondo ng Pasay LGU para sa school year 2020-2021 o katumbas ng P40 milyon kada kwarter ng taon.

Ang naturang pondo ay gagamiting panggastos sa paglimbag ng mga weekly module na gagamitin ng mga guro at estudyante sa bawat aralin nito araw-araw.

Sa datos ng Pasay City LGU, mula sa 60, 000 ng kabuuang bilang ng mga estudyante mula kindergarten hanggang Grade 12, 45, 000 dito ang naka-enroll na habang hinihintay pa ang natitira 15, 000 na mga estudyante na makapagparehistro bago mag-umpisa ang klase.

Ayon sa DepEd Pasay, maraming dahilan ang mga magulang kung bakit hindi na nakakapag-enroll ang ibang mga bata.

Nagiging hadlang sa pagpasok at pag-enroll ng mga bata ay ang mapanganib na banta ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Mayor Emi Calixto Rubiano, bago pa man ianunsyo ang simula ng klase ngayong taon, nakapaghanda na ang lungsod mula sa pondo, hanggang sa pagsasanay ng mga guro at non-teaching staffs para sa nakatakdang online classes.

PHOTO JOB

Sa katunayan, nakapagtala na ang LGU ng Pasay ng 2,236 na mga guro at 367 non-teaching personnel na magiging katuwang para sa administrative at clerical services.

Tiniyak ng Pasay City LGU na matutugunan ang bawat pangangailangan ng kanilang mga estudyante at guro sa ilalim ng new normal scheme ng bansa dahil sa pag-iral ng community quarantine sa kanilang lugar.

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close