P1-B na dagdag pondo para sa National Mental Health Program, isinusulong

P1-B na dagdag pondo para sa National Mental Health Program, isinusulong

ISINUSULONG ng dalawang kongresista ang dagdag pondo sa 2021 para sa National Mental Health Program partikular na ngayong may COVID-19 pandemic.

Ayon kay Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay, napakaliit ng pondo ng Department of Health (DOH) para sa mental health sa 2021.

“A lot of students dahil hindi sanay sa online na classes hindi makasunod sa lessons. Aside from ung iba na hindi makasunod sa lessons, ‘yung mga iba are being deprived to have opportunity to go to school for valid reasons na walang laptop, walang internet access so nade-depress ‘yung mga bata.”

—Rep. Bong Suntay, Quezon City 4th District

Nagkakahalaga ang pondo ng P615-million o P5.69 na budget sa bawat Pilipino na mas mababa sa P12.19 na budget sa bawat Pilipino noong 2017.

Ayon kay Congressman Suntay, hindi makatuwiran na kung kailan may pandemya, kung kailan naipasa na ang Mental Health Act ay saka pa lumiit ang pondo para sa National Mental Health Program.

“Yung increase ng mental health issues is also brought by ‘yung COVID-19. So, it also needs to be addressed and sufficient funds should be placed in this particular matter.”

—Rep. Bong Suntay, Quezon City 4th District

Giit pa ng kongresista, tumaas ang bilang ng mga suicide related calls sa kanilang hotline ngayong may pandemya.

“Dito nga sa atin pagka ang mga taong merong suicide tendencies, ang mga taong nade-depress wala nga silang matawagan na number ‘ung health line na puwede nilang kontakin para may makausap, walang ganun eh.”

—Rep. Bong Suntay, Quezon City 4th District

Sa unang quarter ng 2020, nasa average 33 suicide related calls kada buwan ang natanggap ng National Center for Mental Health.

Subalit tumaas ito sa pagsapit ng buwan ng Abril hanggang Hulyo kung saan pumatak sa 115 na tawag ang natanggap.

Kamakailan lamang ay kinumpirma ni DepEd Secretary Leonor Briones na may naitalang kaso na ng isang estudyante na nagpakamatay ngayong may COVI-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *