Philippine Nurses Association
National Uncategorized

OWWA at Philippine Nurses Association, lumagda ng kasunduan

ISANG memorandum of agreement ang nilagdaan sa pagitan ng Overseas Workers Welfare Administration at Philippine Nurses Association.

Layunin ng kasunduan ay upang matiyak ang kapakanan at proteksiyon ng mga Pilipinong nurses na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Dr. Erlinda Castro Palaganes pangulo ng Philippine Nurses Association maraming mga reklamo silang natatanggap kaugnay sa estado ng pagtatrabaho ng mga nurses abroad.

Naniniwala si Palaganes na sa pamamagitan ng kasunduan mas matutukan ng gobyerno ang mga reklamo na ipinaaabot ng mga Filipino nurses.

Ilan aniya sa inirereklamo ay ang end of contracts ng mga nurses abroad pero hindi sila pinapayagan makabalik ng bansa.

May mga nagkakasakit din sa mga nurses pero walang support system.

Karaniwang natatanggap ang mga problema ito sa mga nurses nagtatrabaho sa Middle East, Japan at Finland.

HANNAH JANE SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *