Overstocking
National

Overstocking ng mga gamot sa DOH, pinaiimbestigahan

NAIS paimbestigahan ng minority bloc sa Kamara ang nasilip nang Commission on Audit na overstocking ng mga gamot sa Department of Health.

Batay sa House Resolution No. 203 na inihain ni House Minority Leader Benny Abante at ng buong minority group, nais nilang paimbestigahan in-aid of legislation ang nasilip na lapses nang COA.

Nais nang grupo na magkaroon ng fiscal reforms sa Health Department particular na inventory, use, control at distribution ng mga gamot na binili ng DOH.

Sa huli, nanawagan ang minorya sa Kamara na maaprubahan ang kanilang reso para magkaroon agad ng hearing sa lalong madaling panahon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *