Sen. JV Ejercito
National

Outgoing Sen. JV Ejercito, tinanggap na ang kanyang pagkatalo

TANGGAP na ni outgoing Sen. JV Ejercito ang kanyang pagkatalo, ilang oras bago ang isinagawang proklamasyon ngayong umaga sa mga nanalong senador sa midterm elections.

Sa Twitter post ni Ejercito, nagpaabot ito ng pasasalamat sa sambayanang Pilipino.

Ayon kay Ejercito, isang karangalan para sa kanya ang maglingkod sa bayan bilang senador ng bansa.

Sinabi rin ng senador na iiwan niya ang Senado na buo ang integridad.

Ipinagmalaki naman nito ang naisabatas na Universal Healthcare Law na kanyang iiwan sa lahat ng mga Pilipino.

Si Ejercito ay nasa pang-13 na pwesto matapos ang final at official tally ng Comelec.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *