CORONAVIRUSMetro

Ospital ng Maynila, sasailalim sa sampung araw na lockdown

WoodProfit

SIMULA ngayong araw ay sasailalim sa lockdown ang Ospital ng Maynila sa loob ng sampung araw bunsod sa naitalang 15 na nagpositibo sa COVID-19 mula sa mga health workers habang ang 32 sa mga ito ay hinihintay ang resulta ng test.

Sinabi ni Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso na mananatiling sarado ang Ospital ng Maynila simula ngayong araw hanggang Agosto 9 para sa sanitation activities at contact tracing sa iba pang health workers na nakahalubilo ng mga may COVID-19.

Ayon kay Mayor Domagoso, 58 indibidwal sa Ospital ng Maynila ang nakasalamuha ng mga nagpositbo sa virus.

Gayunpaman, tiniyak ng mayor na mabibigyan ng ayuda ang mga front liner alinsunod sa paglaban sa nakamamatay na sakit.

Dahil dito, nanawagan ang alkalde sa mga residente ng Maynila na huwag munang magdala ng pasyente simula sa araw na ito, July 31 hanggang Agosto 9 maliban na lamang kung ito ay kritikal at nalalagay na sa alanganin ang buhay.

Lahat ng mga serbisyo ng Ospital ng Maynila ay mananatiling suspendido maliban na lamang ang laboratory operations kabilang na ang daily swabbing,  serology,  radiology, animal bite treatment center, at telemedicine.

PHOTO JOB

Patuloy ang treatment sa mga kasalukuyang naka-admit sa nasabing ospital at hindi pa ito tatanggap ng mga bagong pasyente.

Ayon kay Domagoso, walang plano ang kanyang pamahalaan na magpatupad ng lockdown sa mga barangay na may mataas ng kaso ng COVID-19 dahil mahalaga aniya na makapamuhay ang mga Manilenyo.

Aniya, ang ginawang drive thru, walk-in testing o mobile serology  testing ay malaking bagay ito para matukoy ang mga nagpositibo sa virus at ma-trace kung sino-sino ang mga nakakasalamuha ng mga nagpositibo.

Tanging gagawin na lamang na aksyon ng Manila LGU ayon kay Domagoso ay magsagawa ng contact tracing sa mga barangay kungsaan may mga kaso ng nagpositibo sa COVID-19.

Kasalukuyang nagpapatuloy ngayong araw ang COVID-19 mass testing sa tatlong walk-in at dalawang drive thru sa Maynila sa kabila ng pagdiriwang ng Eid’l Adha.

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close