Regional

Organizer ng isinagawang Sinulog Dance Festival sa Cebu City, kakasuhan

INATASAN na ni PBGen. Albert Ignatius Ferro, director  ng Police Regional Office -7 ang  Criminal Investigation and Detection Group -7 at Cebu City Police Office na imbestigahan at sampahan ng kaso ang nasa likod at nag-organize ng Sinulog Dance Festival sa isang kapilya sa Sityo Alumnos, Barangay Basak San Nicolas,sa Lungsod ng Cebu noong Sabado.

 

Ayon kay Ferro, kasalukuyan nang iniimbestigahan ng CIDG-7 ang nasabing insidente at tiniyak nito na haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11332 na o Bayanihan to Heal as One Act ang mga indibidwal na sumali sa nasabing selebrasyon.

 

Ayon ka Ferro nakarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang pangyayari at hindi aniya nasiyahan ang pangulo sa ginawa ng mga residente.

 

Ang Barangay Basak San Nicolas ay isa sa labing dalawang barangay ng lungsod na mayroong maraming kaso ng COVID-19 na minomonitor ng PRO-7.

 

Nais ni Ferro na gayahin ang Metro Manila na mahigpit na ipinatutupad ang quarantine protocols at sampahan ng kaso ang sinumang lalabag.

 

Inatasan na rin  ng director ang lahat ng police station na ipatupad ang ang  estiktong  polisiya.

 

Ayon pa kay Ferro na tama ang pangulo sa kanyang sinabi na matigas ang ulo nga taga-Cebu.

 

Hindi naman ikinatuwa ni Ferro ang nasabing pangyayari kahit pa na napapagod na ang pulisya sa pagpatupad sa ECQ protocol.

 

Ang nasabing presentasyon nag-viral sa Facebook na umani ng negatibong reaksyon mula sa mga netizens.

 

Samantala ayon naman  kay  PCol. Cydric Earl Tamayo, Officer in Charge ng Cebu City Police Office na nasimulan na ang imbestigasyon sa insidente sa nasabing barangay.

 

Ayon kay Tamayo nakahanda na ang kaso laban sa organizer sa nasabing aktibidad na nakilala na si Nicolas Tabar.

 

Maliban din kay Tabar, posible namang sampahan ng kaso ang iba pang lumahok sa Sinulog Dance Festival.

 

Titingnan din ng CCPO kung ano posibleng kakaharapin na  kaso ng  kapitan ng  nasabing barangay na siyang nagbigay pahintulot sa nasabing prosisyon subalit nabigla umano ang kapitan na mayroong ng sayawan na nangyari matapos ang isang oras na prosisyon.

 

SMNI NEWS

 

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close