Opposition figure ng Cambodia, hinatulan ng 25 taon na pagkakakulong

Opposition figure ng Cambodia, hinatulan ng 25 taon na pagkakakulong

25 taon na pagkakakulong ang inihatol sa isang sikat na kritiko ng gobyerno ni Hun Sen na si Sam Rainsy.

Ang hatol noong Lunes ay nauugnay sa kanyang pagtatangka na umuwi noong taong 2019, iniulat ng media-friendly outlet na Fresh News.

Hinatulan ng 25 pagkakakulong ang sikat na kritiko ng gobyerno at opposition figure na si Sam Rainsy matapos umanong gumawa ng paraan para pabagsakin ang gobyerno ni Prime Minister Hun Sen.

Si Rainsy ay tumira sa France simula noong taong 2015 upang maiwasan ang mga kasong isinampa sa kanya na umano’y pamumulitika lamang.

Si Rainsy ay nahatulan “para sa isang (tangkang) pag-atake sa Cambodia noong 2019”, sinabi ni Y Rin spokesperson ng Phnom Penh Municipal Court, tumatanggi na magbigay pa ng karagdagang mga detalye.

Sa isang pahayag sa Twitter, sinabi ni Rainsy na ang paniniwala ay “ipinanganak dahil sa kahinaan at takot”.

“Ang isang sentensya sa bilangguan mula sa isang korte na kinokontrol ng pamahalaan ay hindi maaaring seryosohin,” sinabi niya.

“Hun Sen is afraid of any risk of my returning to the Cambodian political scene. He also dreads the prospect of any free and fair election which would inevitably lead to the end of his current autocratic and anachronistic regime.”

Ang sentensya na ito ay inilabas ng gobyerno matapos ilang beses itong magtangkang bumalik sa bansa noong taong 2019.

Dahil sa sentensyang ito, si Rainsy ay hindi na rin maaaring makaboto at tumakbo bilang isang Public Official ng bansa.

Walong iba pang politiko mula sa oposisyon kabilang ang asawa ni Rainsy ang nahatulan ng pagkakakulong na hindi bababa sa 20 hanggang 22 taon.

Matatandaan na si Prime Minister Hun Sen ang isa sa mga lider ng bansa na may pinakamahabang termino kung saan tinatayang 36 na taon na ito sa serbisyo.

Ayon sa mga kritiko, pamamaraan umano ni Hun Sen na ipakulong ang mga kalaban sa pulitika maging mga aktibista upang manatili sa kapangyarihan sa gobyerno.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *