Oposisyon, pupulutin sa kangkungan sa tambalang BBM-Sara — Marcoleta

Oposisyon, pupulutin sa kangkungan sa tambalang BBM-Sara — Marcoleta

MAY paglalagyan ang oposisyon sa tambalang BBM-Sara para sa 2022 elections.

Ito ayon kay Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa kasalukuyang political drama ngayon sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcoleta na alinman kina dating Senador Bongbong Marcos at Davao Mayor Sara Duterte ang tatakbong Pangulo ay tiyak na malaking dagok ito sa oposisyon.

Diin niya, kahit magkaroon ng BBM-Sara o Bongbong for President at Vice si Sara o Sara-BBM o Pangulo si Sara at Vice si BBM ay parehong maliligalig ang oposisyon.

Tiniyak rin ni Marcoleta na pupulutin sa kangkungan ang oposisyon alinman man ang pinal na kombinasyon na kalalabasan ng lahat.

Matatandaan na kahapon ay nagbitiw na bilang miyembro ng Hugpong ng Pagbabago regional party si Mayor Sara.

BASAHIN: Davao City Mayor Sara Duterte, nagbitiw na mula sa Hugpong ng Pagbabago

Sa kapareho na araw ay nanumpa naman siya bilang pinakabagong miyembro ng LAKAS-CMD.

Sa isang panayam kahapon, suporta naman ang panawagan ni Mayor Sara sa supporters niya.

Umaasa naman ang Mayora na maibibigay niya ang kagustuhan ng kanyang mga taga suporta sa kanyang gagawing desisyon sa paparating na eleksyon.

“Nagpapasalamat ako sa mga supporters ko and I hope na kung ano man ang mangyayari sa mga sumusunod na araw ay maibigay ko sa kanila kung ano man ang gusto nila,” pahayag ni Mayor Sara.

Nitong Martes, nagkasama naman sina Sara at BBM sa isang wedding event sa Cavite.

Kung saan magkasama pa silang naglakad sa wedding entourage.

Dumalo rin sa kaparehas na event si PDP-Laban Presidential candidate Ronald “Bato” dela Rosa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *