Maestro Ryan Cayabyab
Showbiz

OPM icons, may tribute concert para kay Maestro Ryan Cayabyab

MAGSASANIB-pwersa ang ilang OPM icons sa isang tribute concert para kay National Artist for Music Maestro Ryan Cayabyab.

Say ni Mr. C, maraming surpresa ang naghihintay para sa espesyal na concert gaya nang pagkakaroon ng iba’t ibang rendition ng kaniyang mga awitin.

Inaasahang kabilang sa mga magtatanghal sa naturang concert ay sina Basil Valdez, Celeste Legaspi at ilang miyembro ng Smokey Mountain.

Itinuturing na isang selebrasyon na rin ang concert sa kaniyang hindi inaasahang pagkakatanggap ng Ramon Magsaysay Award.

Gaganapin ang Maestrory: A Tribute to Ryan Cayabyab Concert para sa Agosto 31 sa “The Theater” sa Solaire.

Si Mr. c. ang utak sa likod ng OPM Classic Hits na “Kay Ganda ng Ating Musika,” “Paraiso,” at “Tuwing Umuulan at Kapiling Ka.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *