‘Oplan Delta’ ng CPP-NPA-NDF, ibinunyag ng NTF-ELCAC

‘Oplan Delta’ ng CPP-NPA-NDF, ibinunyag ng NTF-ELCAC

IBINUNYAG ng NTF-ELCAC ang panibagong propaganda ng CPP-NPA-NDF na binansagang ‘Oplan Delta’, isang serye ng mapanirang-atake na pinupuntirya ang mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC.

Sa isang virtual press conference, ibinunyag ni Undersecretary Lorraine Badoy, NTF-ELCAC spokesperson, na ayon sa isang intelligence report, ang Oplan Delta ay inilunsad kamakailan lang sa Quezon City sa pangunguna ni National United Front Commission (NUFC) head Nathaniel Santiago ng CPP-NPA-NDF.

Kasama sa Oplan Delta ay ang iba pang high ranking party members ng communist terrorist groups (CTGs) gaya ni Maria Sol Taule, lawyer ng mga NPA at ang party-list group na KARAPATAN.

Inilahad ni Badoy na sa ilalim ng Oplan Delta, isang komite ang binuo ng makakaliwang grupo na ang trabaho ay gumawa ng propaganda at magkalat ng kasinungalingan para sirain ang kredibilidad ng bawat tagapagsalita ng NTF-ELCAC.

Ani pa Badoy, ang komite na pinangungunahan niya, ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., Undersecretary Joel Egco at Atty. Marlon Bosantog ang pangunahing tinitira ng propagandang ito dahil hinala ng mga ito na tatakbo sila sa susunod na eleksyon.

Banat naman ni National Security Adviser at NTF-ELCAC vice-chairman, Hermogenes Esperon Jr., sign of desperation ito dahil hindi na nila ma-justify ang kanilang mga maling gawa.

Nagpahayag naman si Esperon na handa ang kahit sinuman sa mga tagapagsalita sa kahit anong slanderous attack.

BASAHIN: PNP, nagbabala sa paglaganap ng extortion ng mga NPA ngayong halalan

SMNI NEWS