Opisyal ng Pharmally na sinasabing may pasabog sa isyu ng pagbili ng ‘overpriced’ PPEs, nawawala

Opisyal ng Pharmally na sinasabing may pasabog sa isyu ng pagbili ng ‘overpriced’ PPEs, nawawala

NAWALAN na ng komunikasyon ang Senate Blue Ribbon Committee kay Pharmally Pharmaceutical Corp. Executive na si Krizle Grace Mago.

Ito ang inihayag ni Senator Richard Gordon matapos hindi na makontak ng kanyang komite si Mago matapos itong magbigay ng testimonya noong Biyernes.

Matatandaan na inamin ni Mago na niloko ng Pharmally ang gobyerno sa pamamagitan ng pagbebenta ng sirang medical-grade face shields at bogus pa umano ang production dates.

Nagpahayag na rin ang mga Senador na isasailalim si mago sa kostudiya ng senado na hindi pa tinanggap ni Krizle Grace Mago dahil pag-iisipan pa umano nito ang gagawing desisyon bilang empleyado pa rin ng Pharmally.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *